Pilipinas, hiniling sa ICC na bawiin ang approval para sa war on drugs probe

Nagsumite na ang gobyerno ng Pilipinas ng notice of appeal sa International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber, ilang araw matapos mahintulutan ang ICC na muling buksan ang imbestigasyon kaugnay sa mga pagpatay na may kinalaman sa war on drugs ng Duterte administration.

Ayon sa gobyerno, tumutol at ibinasura nila ang conclusions ng Pre-Trial Chamber nang binigyan nila ng pahintulot ang muling pagbubukas sa inquiry.

Una nang sinabi ng pre-trial chamber, hindi sila kontento sa imbestigasyon ng Pilipinas, at ang mga inisyatibo umano ng mga ito ay hindi tangible, concrete at progressive investigative steps.

Sinabi pa ng chamber na may jurisdiction umano sila sa Pilipinas, bagay na paulit-ulit nang itinatanggi ng mga otoridad ng bansa.

Samantala, binigyang diin ng pamahalaan na hindi na maaring ire-litigate ang isyu ng gravity dahil ito ay naikonsidera at naibasura na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *