Pilipinas, ikinokonsidera ang pagpapadala ng response team sa Syria kasunod ng malakas na lindol sa bansa

Ikinokonsidera na rin ng Pilipinas ang pagpapadala ng response team sa Syria kasunod ng malakas na lindol sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Office of Civil Defense spokesperson Bernardo Rafaelito Alejandro IV na pormal na nagpadala ng “flash appeal” ang Syrian government sa gobyerno noong Miyerkules ng gabi.

Sinusuri pa ngayon ng Department of Foreign Affairs kung maaaring magpadala ng isa pang contingent o magpadala ng mga donasyon o relief items.

Samantala nasa Turkey na ang MGA Pinoy responders na tutulong sa search and rescue operations sa bansa kasunod ng magnitue 7.8 na lindol.

Sinabi ni Alejandro, itatalaga ang Philippine contingent sa Adana na isa sa 10 lalawigang lubhang naapektuhan ng lindol.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *