Pilipinas, itinuturing na ika-27 pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo sa pagsapit ng 2037

Posibleng makuha ng Pilipinas ang ika-27 pwesto bilang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo sa taong 2037.

Base sa World Economic League Table  2023 ng Center for Economics and Business Research (CEBR), inaasahang magpapatuloy paglago ng ekonomiya ng bansa sa mga susunod na taon at aangat mula sa ika-38 puwesto sa ranking ngayong 2022 hanggang ika-27 sa 2037.

Ito ay dahil inaasahan na ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas ay maglalagay ng average growth na 5.3% sa susunod na limang taon.

Sa pagitan ng 2028 at 2037, maaaring panatilihin ng Pilipinas ang relatively high GDP growth  sa karagdagang 5% bawat taon.

Ang Pilipinas at iba pang mga bansa tulad ng Bangladesh at Vietnam ay maaaring palakasin ang kanilang ekonomiya sa pamamagitan ng pag-secure ng global value chain at pagpapabuti ng labor productivity.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *