Pilipinas, kabilang sa top global exporters ng mga dangerous at fake goods batay sa isang pag-aaral

Tinukoy ang Pilipinas bilang isa sa top exporters ng mga counterfeit goods, ikabilang na ng mga peke na may panganib umanong dala sa kalusugan, sa nakalipas na mga taon.

Napansin ito ng European Union Intellectual Property Office (EUIPO) at ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) mula sa dalawang pag-aaral batay sa datos mula noong 2017 hanggang 2019.

Batay sa 2022 study na may titulong “Dangerous Fakes: Trade In Counterfeit Goods That Pose Health, Safety And Environmental Risks” nadiskubre na ang Pilipinas ay ranked 13th sa buong mundo bilang provenance o origin country of dangerous counterfeits mula 2017 hanggang 2019.

Pagdating naman sa origin countries para sa dangerous counterfeit food products sa loob ng kaparehong period, nagpang-apat ang Pilipinas, globally; na sunod lang sa China, Hong Kong, at Turkey.

Ang counterfeit food products ay nadiskubreng mga candies, frozen fruits, tsaa, kape, honey, cooking oil, at fake milk formula para sa mga sanggol.

Samantantala, ranked 15 naman ang bansa sa mga origin countries ng dangerous fakes purchased online mula sa kaparehong period.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *