Pilipinas, mahigpit na tinutulan ang fishing ban ng China sa South China Sea

Mahigpit na tinututulan ng Pilipinas ang fishing ban na ipinatupad ng China sa South China Sea.

Iginiit ng Pilipinas sa isang pahayag na hindi nito kinikilala ang unilateral imposition ng fishing moratorium sa South China Sea mula May 1 hanggang August 16, 2021.

Ayon sa Pilipinas, nilalabag ng unilateral policy ng China ang soberanya ng ating bansa sa sarili nitong karagatan.

Ipinunto ng Department of Foreign Affairs na ang annual fishing moratorium ng China ay lampas na sa lehitimong maritime entitlements nito sa ilalim ng UNCLOS, at walang basehan sa ilalim ng international law.

Dahil diyan ay sinabi ng DFA na hindi pwede na legally ma-impose o ma-enforce ng China ang nasabing moratorium sa West Philippine Sea.

Mababatid na sinabi ng Ministry of Agriculture and Rural Affairs ng China na saklaw ng ban ang mga katubigan na nasa hilaga ng 12 degrees north latitutde sa South China Sea kung saan ay kabilang na rito ang Philippine waters.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *