Pilipinas, makakatanggap ng Y600M para sa coastal radar system

Makakatanggap ang Pilipinas ng 600 milyon yen mula sa Japan para sa coastal radar system upang mapalakas ang pwersa sa Philippine Navy.

Ito ay isa sa pinirmahang kasunduan ng Japan at Pilipinas sa isinagawang bilateral meeting ng dalawang bansa.

Sa nangyaring meeting napag-usapan ng Japan at Pilinas ang pagpapalakas sa maritime security at pagkakaroon ng peace and stability sa parehong bansa.

Samantala ngayong araw gaganapin ang joint congress ni  Prime Minister  Fumio Kishida at pupunta rin siya sa tanggapan ng Philippine Coast Guard.

Pagdating ng alas-tres ng hapon ngayong araw nakatakdang umalis si Prime Minister Kishida.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *