Pilipinas, nais maghain ng panibagong reklamo laban sa China kasunod ng pangha-harass nito sa bansa

Sa gitna ng pangha-harass ng China sa Ayungin Shoal, pinag-aaralan na ng Gobyerno na maghain ng panibagong reklamo laban sa China sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ayon kay National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) Spokesperson Commodore Jay Tarriela, ang mga gawi ng Beijing ay paglabag sa international law katulad na lamang sa UNCLOS at 2016 Arbitral Ruling.

Kabilang sa ginagawang pambu-bully ng China ay ang pagbomba ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG); pagharang sa mga Pilipinong mangingisda; at maging ang pagbuntot nito sa kamakailang resupply mission sa Ayungin Shoal.

Kung maaalala, inatasan na ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Manahan AƱo ang Northern Luzon Command (NOLCOM) at PCG na dalasan ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS) para iparamdam ang presensiya ng Pilipinas sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *