Pilipinas, nakapagtala ng 332 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon

Nakapagtala ng 332 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon ang Department of Health habang bumaba ang active tally sa 11,856.

Ayon sa DOH, ito ang ikatlong araw na sunod-sunod na wala pang 500 kaso ang naiulat.

Batay sa pinakahuling datos, bumaba ang mga aktibong kaso mula sa 12,267 noong Lunes.

Sa ngayon mayroon ng kabuuang 4,068,425 COVID-19 cases ang bansa.

Ang National Capital Region ang nanatiling rehiyon na may pinakamaraming kaso na may 2,092 sa nakalipas na dalawang linggo. Sinundan ito ng Calabarzon na may 1,035, Central Luzon na may 516, Cagayan Valley na may 318, at Western Visayas na may 312.

Umakyat din ang recovery tally sa 3,991,071 na may 770 na bagong recoveries.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *