Pilipinas, nakapagtala ng 626 new COVID-19 cases

Umabot na lamang sa 626 cases ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, bumaba na sa 17,263 ang bilang ng active cases sa Pilipinas.

Nananatili sa lugar na may pinakamataas na bilang ng kaso ang Metro Manila na may 5,615 cases sa loob ng dalawang linggo.

Kasunod nito ang CALABARZON na may 2,395 cases, Central Luzon na may 1,142 cases, Western Visayas na may 653 cases, at Cagayan Valley na may 619 cases.

Tumaas naman ang bilang ng recovery tally ng bansa sa 3,975,239, habang umabot na sa 65,127 ang mga namatay dahil sa virus. // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *