Pilipinas, nananatiling blessed sa kabila ng mga hamon -PBBM

Nananatiling blessed ang Pilipinas sa kabila ng mga hamon sa buhay ayon kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ito ni Marcos matapos pinangunahan ang Christmas Tree Lighting ceremony sa Kalayaan grounds ng Malacañang.

Sa kanyang talumpati, binanggit ng Pangulo na hindi maipagdiwang ng mga Pilipino ang karaniwang Pasko dahil sa Covid-19 pandemic.

Ang Christmas Tree Lighting ceremony ang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng Christmas season sa bansa. Gayunpaman, binanggit ng pangulo na para sa mga Pilipino, ito ay karaniwang nagsisimula sa Setyembre.

Samantala, sinabi ni Marcos na ginagawa ng gobyerno ang lahat para matiyak na may Pasko ang mga batang Pilipino.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *