Pilipinas niluwagan ang testing at quarantine COVID-19 protocols sa mga inbound travelers

Inaprubahan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang mas maluwag na mga panuntunan para sa mga inbound passengers, kung saan pinapayagan ang unvaccinated travelers na makapasok sa Pilipinas.

Ito ay sa harap ng patuloy na pagrekober ng bansa mula sa Covid-19 pandemic.

Matatandaan na pinayagan ng MalacaƱang ang voluntary na pagsusuot ng facemasks sa indoor at outdoor settings, maliban sa mga healthcare facilities at public transportation.

Batay sa Resolution No. 2 ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang mga fully vaccinated travelers ay hindi na kailangang sumailalim sa testing bago nakalipas sa Pilipinas, sa halip magpi-presenta nalang ng proof of vaccination.

Ang mga unvaccinated, partially vaccinated, at para sa mga vaccination status na hindi ma-validate ay hindi na kailangang sumailalim sa quarantine sa oras na dumating sa bansa, pero kailangang magpresenta ng negative antigen test na kinuha sa loob ng 24 oras bago ang kanilang flight.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *