Sports

Pilipinas pasok na sa Asia Cup matapos ang panalo vs Korea

Sigurado na ang pwesto ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup matapos ang panalo nito laban sa South Korea, 81-78.

Susi sa panalo ang off-balance game-winner ni SJ Belangel sa huling segundo ng laro.

Nagtala si Belangel ng kabuoang 13 points, 5 rebounds, at 2 assists sa unang sabak nito suot ang Gilas Pilipinas uniform.

Hindi naman naging madali sa Gilas ang laban dahil kinailangan pa nitong burahin ang 17-puntos na lamang matapos ang mabagal na simula.

Umarangkada lamang ang Pilipinas pagsapit ng 3rd period sa tulong nina Dwight Ramos na may 16 points, Kai Sotto na 11 points, at Ange Kouame ay nagtala ng 12 puntos.

Dahil sa panalo nanatiling undefeated ang Pilipinas sa Group A ng FIBA Asia qualifiers na may 4-0 record.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

6 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

6 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

6 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

6 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

6 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

7 hours ago