Pilipinas, pumangalawa na may ‘worst’ pension system sa mundo batay sa isang survey

Maari umanong kailanganin ng mga Filipino workers na ikonsidera na kumuha retirement plans matapos bumagsak ang Pilipinas sa bottom second ng global survey kaugnay sa pension systems.

Batay sa Mercer CFA Institute’s 2022 Global Pension Index (MCGPI), nasa rank 44 ang retirement income systems mula sa buong mundo, na kumakatawan sa 65% ng world population.

Kaugnay nito, nasa 43rd spot ang Pilipinas na may overall score na 42, sunod sa Thailand.

Ayon sa Mercer, bahagyang bumaba ang index value ng bansa mula sa 42.7 noong 2021 dahil sa ilang minor adjustments.

Kaugnay nito, nakatanggap ang bansa ng score na 40.5 sa adequacy indicator, na kinabibilangan ng retirement benefits na inaalok sa poor at range ng income earners, maging ang aspeto na gumanda ang overall efficacy ng retirement income system.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *