Pilipinas, pumapangalawa sa mundo sa online sexual abuse

Pumapangalawa ang Pilipinas sa mundo sa online sexual abuse.

Ito ang ibinunyag ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Deputy Executive Director Assistant Secretary Mary Rose Magsaysay sa budget hearing sa Senado.

Ikinagulat naman ni Senador Sherwin Gatchalian na number 2 ang Pilipinas sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC); sa kabila ng pagiging isang developing nation ng bansa.

Dagdag pa ni Gatachalian, hindi hamak na marami pang mas mahihirap na bansa kumpara sa Pilipinas.

Inamin naman ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na isa sa mga rason ang kahirapan sa bansa at maging ang kakulangan ng kagamitan para mapaigting ang cybersecurity at matukoy ang mga online predators.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *