Pilipinas, tatanggap ng 800,000 hanggang isang milyong doses ng bakuna kontra sa COVID-19 mula sa surplus ng Amerika – envoy

Inanunsyo ni Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez na tatanggap ang Pilipinas ng nasa 800,000 hanggang sa 1 milyong doses ng bakuna kontra covid-19 mula sa surplus o stockpile ng Amerika.

Sa media forum ng Malacañang, sinabi ni Romualdez na inaasahan ang pagdating ng mga bakuna sa susunod na buwan.

Ayon sa envoy, posibleng Moderna o Astrazeneca ang mga bakuna na darating.

Dagdag pa ni Romualdez na aabot sa 80 million doses ng covid-19 vaccine ang ido-donate ng Amerika sa iba’t-ibang mga bansa sa buong mundo kabilang na nga rito ang Pilipinas.

Bukod dito, sinabi ng opisyal na ang inanunsyo ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na 40 million doses ng Pfizer ay parte ng donasyon ng Amerika.

Samantala, iniulat din ni Romualdez na kasama ang Pilipinas sa booster shot na dini-develop ng Moderna at nagreserved na aniya ang bansa ng 50 million doses nito para sa susunod na taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.