Pilipinong napauwi mula sa sigalot sa Sudan, makakatanggap ng P100K na tulong mula sa pamahalaan

Makakatanggap ng halos P100,000 na tulong ang bawat Pilipinong napauwi ng pamahalaan sa Pilipinas mula sa sigalot sa Sudan.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration Administrator Arnell Ignacio, kahit ang mga undocumented na Pilipino na nailikas ay mabibigyan din ng tulong ng pamahalaan.

Magkakaloob din ng livelihood at scholarship assistance para sa mga anak ng mga Pinoy.

May inilatag na rin psychosocial program ang Department of Social Welfare and Development para makabangon ang mga Pinoy mula sa naranasang gulo sa Sudan.

Samantala, inaasahang balik-bansa na ngayong araw ang karagdagang 83 mga Pilipinong inilikas sa Sudan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *