Pilot episode ng Isabela’s Got Talent, magsisimula na sa Biyernes

Magsisimula na sa Biyernes, ika-lima ng Hulyo ang unang linggo ng Isabela’s Got Talent na mapapanood sa Isabela Provincial Capitol Amphitheater.

Sampung contestants ang magtatagisan ngayong linggo na mula sa iba’t ibang mga munisipalidad at lungsod sa lalawigan ng Isabela.

Kabilang na rito si Clarence Rivera ng Roxas; Genesis Borromeo ng Quirino; Jan Lord Ramos ng Alicia; John Paul Fernandez ng City of Ilagan; at Lito Antonio ng Mallig.

Pasok din sa Week 1 sina Lory Mae Aslor ng City of Ilagan, Marlon Barolo ng Cauayan City, Peter Maddawin ng Tumauini, Rain Vincent De Guzman ng San Mateo, at Zeijan Louis Agbayani ng Cauayan City.

Sa naging panayam ng Brigada News Team kay Isabela Tourism Office Head Joan Dy Maranan, ang talent act na kayang madepensahan ang title hanggang sa ika-apat na linggo ay pasok na sa Grand Finals na magbibigay sa kanila ng pagkakataon na mapanalunan ang P100,000 cash prize.

Maaari ring mapanood ang pilot episode online

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *