Nakakuha ang Commission on Elections (Comelec) ng dagdag na pondo para isagawa ang 2023 Barangay at Sangguniang Elections (BSKE).

Ito ang ibinunyag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa 2024 budget deliberation ng Comelec.
Katwiran ni Comelec Chairman George Garcia, dumami ang registered voters dahil matagal nang ipinagpaliban ang BSKE; kaya dapat aniya madagdagan ang bilang ng presinto, electoral boards, at pati na rin ballot boxes.
Kung susumahin, umabot na sa P11B ang pondo para sa 2023 Barangay at Sangguniang Elections.