Pimentel, iginiit ang agarang pagbuwag sa PS-DBM

Iginiit ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang agarang pagbuwag sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM), kasunod ng kontrobersiyal na pagbili ng bilyon-bilyong halaga ng government supplies.

Paliwanag ni Pimentel, maari itong gawin ng Malacanang sa simpleng paglalabas ng kautusan.

Ang PS-DBM ay itinatatag noong October, 1978 sa pamamagitan ng Letter of Instruction na inilabas ni late President Ferdinand E. Marcos Sr., at pinagtibay sa pamamagitan ng dalawang Executive Orders.

Dagdag ng senador, maari rin umanong gawin ng Kongreso ang pagbuwag sa naturang departamento.

Mababatid na ang abolition ng PS-DBM ay bahagi sa listahan ng rekomendasyon ni Senator Francis Tolentino, na siyang Senate blue ribbon committee chairman, kasunod ng kanilang ginawang imbestigasyon kaugnay sa pagbili ng umano’y overpriced laptops para sa Department of Education (DepEd).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *