Pimentel, naniniwalang bubusisiin ng buong Senado ang panukalang Maharlika fund bago ipasa

Naniniwala si Senate Minority leader Koko Pimentel na hindi hahayaan ng buong Mataas na Kapulungan na mabilis na na maipapasa ang kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund (MIF).

Kaugnay nito, tiniyak ni Pimentel na bubusisiin nila ang naturang panukala, sa kabila na dalawa lang sila na tutol dito.

Una nang sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na ipapaliwanag niya sa mga business leaders na dadalo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, na target ng kanyang administrasyon na magtatag ng Maharlika fund para sa investments sa agriculture, energy, digitalization, at climate change, at iba pa.

Sinabi naman ni Foreign Affairs Undersecretary Carlos Sorreta, na ang naturang forum ay isang magandang venue para sa “soft launch” ng MIF dahil sa kanyang prominence at ng kanilang participants.

Pero sinalag ito ni Pimentel at sinabing ang soft launch sa panukala ay premature pa. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *