CAMARINES NORTE – Natimbog ng pulisya sa aktong pangingikil ang isang 37-anyos na babae sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Daet MPS (Lead unit) kasama ang operatiba ng Camarines Norte Maritime Police Station (CN MARPSTA), Camarines Norte Provincial Intelligence Unit at Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company (1st CNPMFC) bandang alas 3:30 ng hapon nitong Agosto 4, 2021 sa harap ng Golden Palace Restaurant, Zabala st. Purok 4, Brgy. IV, Daet, Camarines Norte.
Ang suspek ay nakilalang si Edelyn Royo y Quierra, 37 yrs old, dalaga, at residente Mabini St. Purok 2, Brgy. Kanluran, San Vicente, Camarines Norte,
Samantalang ang biktima ay nakilalang si alyas “Kristian”, 37 na negosyante
Ayon sa ulat ng CNPPO, ang nasabing suspek ay pinaghihinalaang kolektor ng Rebolusyonaryong Buwis sa Kaaway na Uri (RBKU) at miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na sangkot sa mga robbery extortion.
Si Royo ay naaresto pagkatapos umano nitong tanggapin ang extortion money kapalit ang proteksyon ng CTG sa negosyo ng nasabing biktima.
Narekober sa suspek ang mga sumusunod na ebidensya:
a. Isang kulay itim na belt bag na may tatak na CAT at naglalaman ng isang pirasong puting sobre na may lamang pera na nagkakahalaga ng labing pitong libo at siyam na daang piso (Php17,900):
• Isang piraso (1) ng Isang daang piso (Php100.00)
• Tatlong (3) piraso ng pekeng isang daang piso(Php100.00)
• Pitong (7) piraso ng pekeng Limang daang piso (Php500.00)
• Labing apat (14)na pekeng Isang Libong piso (Php1,000.00)
b. Isang (1) itim na holster para sa short firearm na may lamang isang (1) empty magazine ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril;
c. Isang (1) yunit ng kulay sky-blue na smartphone na may trademark VIVO na naglalaman ng usapan sa mga taong kinikilan;
d. Isang (1) cheke mula sa Metrobank na nagsasaad ng halagang animnapung libong piso (Php 60,000); at
e. Isang (1) LTO Non-Professional Driver’s License
Para naman masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga operatiba at mandatory witnesses laban sa mga CTG members sa kanilang posibleng pagharass sa lugar ng insidente, ang paghalughog at pagrekisa ng mga ebidensya ay isinagawa sa istasyon ng pulisya sa Daet, Barangay Pamorangon Daet, Camarines Norte.
Samantala, ang Daet MPS ay naghahanda na ng mga kaukulang dokumento para sa pagsampa ng kaso laban sa suspek.
(c) CNPPO
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…