Pinaka-bata at pinaka-huling na buhay na survivor ng Titanic ship kinilala ng Guinness

KINILALA ng Guinness si Millvina matapos itong makumpirma bilang “The youngest person to survive Titanic and “The last living survivor” bago sumapit ang kanyang kamatayan noong 2009 sa edad na 97.

Ayon sa ulat si Millvina ay 2 months old lang ng tumungtong sa Titanic ship kasama ang kanyang buong pamilya, ngunit hindi talaga dapat sila sasakay sa nasabing barko dahil sa ibang barko sila nakakuha ng ticket, subalit dahil sa coal strike ay inilipat sila sa Titanic ship kung saan ito ang pinaka-malaki at binansagan pang “Unsinkable Ship” nung mga panahon na iyon.

Subalit, lingid sa kanilang kaalaman , ang nakaakibat na trahedya ng nasabing barko, nahati ito ng isang tupok ng iceberg at kumitil sa napakaraming buhay kung saan sa 2,208 na mga pasahero nito 1,503 ang namatay ng dahil sa nangyaring collision sa gitna ng karagatan.

Nang maramdaman ng ama ni Millvina ang lakas ng pagkakabangga agad sila nitong pinaakyat sa deck ng barko at pinasakay sa lifeboat number 10 , at dahil ang pamilya nila ay nasa third class passengers prayoridad lamang sakanila ang mga bata at mga babae dahilan upang maiwan ang kanyang ama at hindi makasurvive.

Sa pamamagitan ng kanyang nakaraan bagamat musmos pa lamang siya noon, naging matunog at makabuluhan ang kanyang buhay , marami ang humanga at tumulong sa kanya lalo na nung dinapuan siya ng karamdaman.

Ilan sa mga tumulong sa kanya ay ang mga bumida sa pelikula na Titanic na sina Kate Winslet, Leonardo DiCarpio, James Cameron, at Celine Dion.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *