Pinaka-mabigat na Sunflower head sa mundo kinilala ng Guinness sa Cwmbran,Wales

KINILALA ng Guinness ang sunflower head ng green-fingered Fortey Family bilang “The World’s Heaviest sunflower head na tumitimbang lang naman ng 6. 44 kg kasing bigat na ng tatlong ladrilyo o dalawang sanggol.

Matatandaan na ang Fortey Family ang huling may hawak ng nasabing titulo kung saan sa pagkakataong ito nalagpasan nila ang sarili nilang record.

Ayon sa pamilya nanggaling sa kanilang seed line ang buto na ginamit sa pagtamin ng nasabing sunflower kung saan 20 weeks nilang pinatubo ang nasabing tanim mula buwan ng Mayo hanggang Oktubre kung saan umabot ito sa tass na 3.35 meters o 11 feet.

Samantala hindi lang pala ito ang titulo na hanggang sa ngayon ay hawak hawak parin ng pamilya dahil kinilala rin sila sa pagkakaroon ng

Largest sunflower leaf sa sukat na 68 x 87 cm, Heaviest beetroot na may timbang na 23.99 kg o (52.89 lb), Tallest potato plantna may taas namang  2.84 m o (9 ft 4.1 in) at ito na nga ang huli ang Heaviest sunflower head.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *