Pinakalaking Public Cemetery sa Naga City hindi na kabilang sa road widening projects ng DPWH

NAGA CITY – Hindi na kailangan pang isailalim sa road widening projects ng Department of Public Works and Highways ang pinakamalaking sementeryo sa Naga City, ang Concepcion Public Cemetery.

Pumayag na rin ang DPWH sa pakiusap ng may-ari ng lote ng naturang sementeryo.

Ito ang ibinihaging pahayag sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Jose Perez, Chairman ng Culture and the Arts at Tourism sa konseho, kaugnay sa road widening na ipinatutupad sa lungsod.

Ayon kay Perez, malaking bagay ito, dahil hindi na magagalaw pa ang bahagi ng kalsada na naokopa ng sementeryo na una na ring inireklamo at ikinabahala ng pamilya ng mga nakalibing doon.

Isa pang dahilan ay ang nakatakdang pag-deklara sa sementeryo na historical and sacred place ng National Historical Commission, sa oras na makompleto na ng Lokal na Pamahalaan ang mga dokumento o ang mga requirements na hinihingi ng ahensiya.

Matatandaan na may plano ang City Government noon na alisin ang naturang sementeryo at ilipat ito sa may bahagi ng Barangay Balatas, ngunit hindi na natuloy dahil sa mga reklamo at malaking budget na kailangan.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *