Pinakamahabang kantang nakatha na aabot sa 138 oras, naitala sa Guinness Book of World Records

Kaya mo kayang kantahin at sabayan ang pinakamahabang kanta ngayon na naitala sa Guinness Book of World Records?

Ang kantang ito ay may habang aabot lang naman sa limang araw o katumbas ng 138 oras 41 minuto at 21 segundo.

Iyan ay isinulat at nirekord ng isang Baranas Hindu University professor na si Jagadeesh Pillai kung saan hinango niya ang kantang ito sa isang epiko na “Shri Racharitmanas” na aabot lang naman sa 11, 000 na berso.

Naantala din umano ang pagbuo niya ng kantang ito dahil sa COVID-19 Pandemic kung saan umabot sa apat na taon ang pagsusulat niya nito bago naisapubliko.

Maliban sa bagong titulo na nakuha ni Pilai, siya rin ang kasalukuyang may hawak ng titulong “Longest Line Of Postcard”, “Largest Poster Awareness Campaign” at Yoga Mass Awareness. |WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *