Pinakamahal na strawberry sa buong mundo na matatagpuan sa Japan, nagkakahalaga ng 50, 000 Yen ang kada piraso

Sinong mag-aakala na ang isang strawberry ay nagkakahalaga ng 50, 000 Yen o aabot lang naman sa P20, 000 ang kada piraso.

Ito’y matatagpuan sa Japan kung saan, ito nga ang tinaguriang pinakamahal na strawberry sa buong mundo.

Tinatawag itong Bijin-Hime o nangangahulugan na “beautiful princess” na pinahusay ang katangian sa pamaamagitan ng isang magsasakang Hapon na si Mikio Okuda.

Ang strawberry ngang ito ay may perpektong hulma, kulay at lasa kung saan inabot umano ng  15 taon si Okuda sa pagkocrossbreed ng iba’t ibang klase bago naka-produce nito.

Sa 45 taong karanasan ni Okuda sa pagtatanim, siya lamaang umano ang natatanging magsasaka na kayang makapagtanim at makapagpabunga nito na kung saan, 500 lamang na piraso taon-taon ang kaniyang naaani  tuwing winter season.

Sa kadahilanan ngang ito ay naitataampok ito  sa isang auction at nabibili ang kada piraso ng aabot sa 50, 000 Yen.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisikap ni Okuda upang maperpeko ang proseso sa pagcultivate nito lalo’t sa mga susunod pang taon.|WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *