Pinakamahinang ‘Philippine peso’ naitala sa loob ng tatlong taon

Naitala ng Philippine peso ang maituturing na ‘weakest position’ sa loob ng tatlong taon matapos magsara ang palitan nito sa dolyar sa P53.75.

Ito na ang pinakamahinang palitan ng piso simula noong October 2018 kung saan naitala ang P53.80 kapalit ng isang dolyar.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort lumakas ang dolyar matapos itaas ng US Federal Reserve ang funds rate nito ng hangang 75 basis points na pinaka-malaki simula noong 1994.

Dagdag pa nito humina din ang piso matapos bumagsak ang PSEi sa ikatlong sunod na araw ng hanggang -65.45 points.

Ang naturang bilang pinakamababa sa loob ng sampung buwan at may kaugnayan sa overnight declines ng US at global stock markets.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *