Pinakamalaki at pinakamodernong aircraft carrier ng Britain, maglalayag sa South China Sea

Ipadadala ng Great Britain ang pinakamalaki at pinakamodernong aircraft carrier nito sa South China Sea matapos mapaulat ang panghihimasok ng maraming Chinese vessels sa West Philippine Sea.

Lulan ng HMS Queen Elizabeth ang 18 British-American F35 fighter jets, 1,700 crew, at 250 American marines.

Makikiisa ang British aircraft carrier sa military exercises kasama ang anim na Royal Navy ships, isang Royal Naval Submarine, at isang Destroyer mula sa America, at isang frigate mula sa Dutch Navy.

Kabilang rin sa nasabing military drills ang strike groups mula sa iba’t-ibang mga bansa gaya ng Malaysia at Singapore.

Una nang sinabi ni British Prime Minister Boris Johnson na nais ng UK na ipakita sa China na sila ay sumusunod sa international law.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *