Pinakamalaking sushi sa buong mundo, pinagtulungang gawin ng 2 chef sa Boston

KINILALA ng Guinness Book of World Records ang dalawang Chef matapos ng mga itong pagtulungang gawin ang tinaguriang pinakamalaking ‘sushi’ sa buong mundo.

Batay sa ulat, nagawa sa loob ng tatlong oras ng dalawang social media personality at Chefs na sina Nick DiGiovanni at Lynn Davis sa Boston, ang sushi na may tinatayang sukat na aabot sa pitong talampakan.

Para magawa ang higanteng sushi, kinailangang gumamit ng dalawang chef ng 900 kilo ng bigas, 226 kilo ng salmon, 226 ng pipino, at libong mga seaweeds at sesame seeds.

Dahil dito, kanilang nahigitan ang previous record kung kaya’t ang ginawang sushi nina DiGiovanni at Davis ang siya ngayong “Largest Sushi Roll” sa buong mundo na matapos kilalanin ng Guinness ay ibinahagi at idinonate sa isang homeless shelter.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *