Local News

Pinakamalalayo at islang Barangay sa Camarines Norte binalikan ng PSA para sa PhilSys registration

CAMARINES NORTE- Binalikan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga pinakamamalayo at islang barangay ng Camarines Norte para sa Philippine Identification System (PhilSys) step 2 registration.

Kabilang sa tinungo ng PSA ay ang bulubunduking Barangay ng Dumagmang sa bayan ng Labo para mag conduct ng mobile registration at pag- iisyu ng ePhilID.

Nakapagrehistro ang PhilSys team ng 67 indibidwal para sa step 2 o collection ng biometric data at nakapamahagi ng mahigit 300 ePhilIDs sa mga residente ng naturang barangay.

Bukod sa Dumagmang, bumalik din ang PSA team sa Calaguas Group of Islands na binubuo ng ilang Barangay tulad ng Pinagtigasan, Banocboc at Mangcawayan kung saan nasa 234 indibidwal ang nairehistro at nasa 1,338 ang naimapahaging ePhilIDs.

Patuloy din ang ginagawang institutional registration at issuance ng printed  ePhilIDs sa mga eskwelahan.

Nasa 3, 254 na estudyante at personnel ang nairehistro mula sa 85 eskwelahan sa lalawigan na binista simula Enero hanggang Marso nitong taon.

Sa ngayon nasa 455,672 indibidwal na o 85.53 % ng target na 539,054 na limang taong gulang pataas ang nairehistro sa lalawigan habang nasa 81, 046 na ePhilIDs naman  ang naipamahagi o 100.06 % ng 81, 000 target para sa unang quarter.

Kung isasama ang datos mula noong nakaraang taon nasa 184,309 na ePhilIDs na ang naipalabas sa lalawigan.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago