CAMARINES NORTE- Naabot na kahapon ng Municipal Health Office ang dalawang pinakamalayong Barangay ng Mercedes, Camarines Norte para sa Chikiting Ligtas Vaccination Campaign.
Ito ay ang mga Barangay ng Lalawigan at Lanot na nasa dulong bahagi at malapit na sa Camarines Sur.
Kasama ng MHO vaccination team ang Department of Health (DOH) Regional Technical Assistance para masigurong nasusunod ang guidelines sa Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA).
Batay sa datos ng Department of Health Provincial Office mayroong 5, 568 na total no of eligible children (9- 59 months) sa naturang bayan para mabakunahan ng kontra Measles at Rubella.
Hanggang nitong May 10, ay nasa 2, 141 ang na- immunized o 38. 45 %.
Para naman sa Oral Polio Vaccine (OPV) nasa 6, 509 ang total number of eligible children (0- 59 months).
Sa bilang na ito nasa 1, 485 na bata ang na- immunized ng OPV o 22. 81 %.
Ayon naman sa DOH Bicol mababa pa ang accomplishment ng rehiyon sa MR OPV SIA.
Kaya naman patuloy ang panawagan ng ahensiya sa mga magulang ng mga batang kabilang sa naturang age group na pabakunahan ang kanilang mga anak.
