Pinakamaputing pintura sa mundo na kayang palamigin ang pininturahang gusali, nilikha ng mga engineers sa Indiana

BNFM BICOL – Sa layuning matugunan ang isyu sa global warning,  ginawa ng mga engineers sa Purdue University sa Indiana, USA ang diumano’y pinakamaputing pintura sa buong mundo na may kakayanang palamigin ang pininturahang gusali upang mabawasan ang demand para sa air conditioning.

Ayon kay Xiulin Ruan, isang professor sa nasabing unibersidad at isa sa mga nagtrabaho sa proyekto, layon nilang makagawa ng pintura na magre-reflect ng sikat ng araw upang hindi uminit ang building na nababalutan nito.

Nagagawa ng pinturang ito na ibalik ang 98.1% ng solar radiation kaya naman sa ilalim ng sikat ng araw ay mas malamig ang anumang nababalot sa pintura kung ikukumpara sa mga nasa paligid nito.

Dagdag pa anito, resulta ng sobrang pagka-reflective ng pintura ang sobra ring pagkaka-puti nito.

Ilan sa dahilan ng napakaputi nitong kulay ay ang mataas umanong concentration ng chemical compound na barium sulfate na ginagamit din sa paggawa ng  photo paper at cosmetics white.

At sobrang puti ay kinilala na nga ito ng Guinness World Records at isinama sa pinakahuling edisyon ng kanilang libro bilang pinakamaputing pintura sa mundo.

Ang nalikhang whitest at coolest paint na ito ay resulta ng anim na taong pag aaral upang makalikha ng radiative cooling paint bilang alternatibo sa mga tradisyunal na air conditioners.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *