Pinakamaraming COVID-19 cases sa Bicol region, naitala sa Albay

LEGAZPI CITY – Umabot na sa 50 ang naitatalang kaso ng COVID-19 ang Bicol Region ayon sa Department of Health (DOH) Bicol.

Ayon sa ahensya, pinakamaraming naitalang kaso sa rehiyon sa Albay, kung saan mayroon itong 16; sinundan ng Masbate na may 14; 5 sa Camarines Sur; Sorsogon ay may 2; habang ang Catanduanes at Camarines Norte ay parehong 0 case.

Sa lunsod ng Legazpi naman, 11 ang nagpositibo, samantalang 2 ang sa Naga City.

Pinapayuhan ng ahensya ang publiko na maging mapanuri, magsuot ng face mask sa mga matatao at kulob na lugar at palagiang maghugas ng kamay at gumamit ng 70% alcohol-based sanitizer.

Dagdag pa rito, mag-isolate kung nakararanas ng sakit tulad ng lagnat, ubo, sipon, sore throat at iba pa.

Pinakamainam ding gawin ay magpabakuna o booster, sapagkat ito ay mabisang paraan upang maiwasan ang malubha at kritikal na sintomas ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *