CAMARINES NORTE – Natuldukan na ang pitong buwang pagbaba ng inflation sa lalawigan ng Camarines Norte makaraang maiatala ang antas na 6.8 % noong Agosto.
Nangangahuhulugan ito na bumilis na naman ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan kumpara sa 5.7 % noong Hulyo batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Hindi lang basta tumaas ang inflation kundi pinakamabilis din ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Norte sa buong Bicol Region.
Isa rin ito sa pinamataas na antas ng inflation sa loob ng anim na taon.
Kung ikukumpara sa ibang lalawigan sa Bicol bukod tangi sa Camarines Norte naitala ang ganito kabilis na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.
Ang Albay ay mayroong 5. 6% inflation rate, 4. 7 % sa Catanduanes, 3. 9 % sa Camarines Sur, 3. 6 % sa Sorsogon at 2. 6 % sa Masbate.
Kapag mataas ang inflation nangangahulugan ito na lalong lumiliit ang halaga ng pera at kakailanganing gumastos ng mas malaki ang mga consumer para sa mga produkto at serbisyo na kanilang binibili.
Pangunahin pa ring dahilan ng mataas na inflation sa lalawigan ay ang Restaurants and accommodation services na pumalo sa record high na 25. 5 %.
Nag ambag rin sa mataas na inflation ang alcoholic beverages and tobacco at food and non- alcoholic beverages.
