Pinakamatandang nabubuhay sa bayan ng Quezon, nakatanggap ng P100k  

Pinagkalooban ng Department of Social Welfare and Development (DSWD- Palawan) LGU Quezon ng Php100,000.00 cash ang isang lolang centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100 taong kaarawan noong Feb.7, 2023.

Ito ay si lola Rosario Ponciano Bataculin, residente ng Brgy. Alfonso XIII Quezon.

Ayon sa kaanak nito, na-byuda kaagad si lola Rosario noong syang 45 taong gulang pa lamang, mayroon syang 10 anak.

Ipinagmamalaki ng mga mahal niya sa buhay na wala syang karamdaman at hanggang ngayon ay walang iniinom na gamot o maintenance.

Sa panungunguna ng Municipal Social Welfare & Development- Quezon, nito lamang March 10,2023 ay ipinagkaloob sa kanya ang naturang halaga sa Diwata Hall ng munisipyo bilang pagkilala.

Samantala, ang pagbibigay ng benepisyo ay alinsunod sa Republic Act 10868 o ang Centenarians Act of 2016.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *