Pinal na desisyon ng CHED Central Office hinihintay pa para masimulan ang pagbabakuna sa teaching and non-teaching personnel ng SUCs

LEGAZPI CITY – Aabot sa humigit kumulang sa 5K na teaching and non teaching personnel ng State University sa buong Bicol Region ang inaasahan na mababakunahan sa oras na pahintulutan ito ng National Inter Agency Task Force (IATF) at sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Regional Director Freddine Bernal ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol, naghihintay na lamang ng pinal na desisyon mula sa CHED central office upang mabigyan na ng bakuna ang mga personnel ng state univerisity para sa pagbabalik o pagbubukas ng klase para sa taong 2021-2022.

Aniya, kailangan rin na mabakunahan ang teaching and non teaching dahil sa maituturing rin naman itong frontliner.

Nais din ng mga ito na makabalik na rin sa normal na pamumuhay bilang mga guro at staff sa Unibersidad.

Nilinaw din nito tanging pinapayagan ng ahensya para sa face to face ay patungkol sa health related programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *