Pinatuyong dahoon ng Marijuana narikober sa isang binata sa Camarines Sur

NAGA CITY – Aabot sa 21 gramo ng pinaniniwalaang pinatuyong dahon ng marijuana at 10 pakete naman ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa isang umano’y tulak ng iligal na droga sa Pili,  Camarines Sur matapos ang ikinasang Buy Bust Operation.

Kinilala ang nahuli na si Ricky Ryan Lustina y Regaspi, 23-anyos ng Brgy. Santiago, Pili Camarines Sur.

Ayon sa ulat, isang operatiba ang nakabili sa suspek nang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa halagang P500 kung saan nangyari ang bilihan sa tapat mismo ng Barangay Hall at nang magka-abutan na ng items ay mabilis na hinuli ang suspek ng mga nakastandby na operatiba.

Nang kapkapan si Lustina sa harap ng mga mandatory witnesses ay nakuha sa bulsa ng suot nitong shorts ang isang papel na mayroong lamang pinatuyong dahon ng Marijuana at 10 sachet na may lamang shabu.

Nagkakahalaga ng P8,160 ang item habang nasa 1.20 grams naman ang timbang ng nabawing 10 sachet laman ang hinihinalang shabu.

Mahaharap ang binata sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *