Pinoy boxers humakot ng ginto sa 31st SEA Games

Humakot ng gintong medalya ang mga Pinoy boxers sa final matches ng men’s boxing sa 31st South East Asian games sa Vietnam.

Unang nakasungkit ng gold si Rogen Ladon matapos talunin ang Vietnamese na si Thao Tran Van sa 52kg division via 3-2 split decision.

Sunod naman nakakuha ng ginto para sa Pilipinas si Ian Clark Bautista na tinalo si Naing Latt ng Myanmar sa 57kg finals.

Samantala dinomina ni Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Felix Marcial ang pambato ng Timor Leste na si Delio Anzaqeci para angkinin ang ikatlong gold ng team Pilipinas.

Sa women’s boxing naman nagkasya sa silver ang Olympian na si Irish Magno habang bronze naman nakuha ni Olympic medalist Nesthy Petecio para sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.