Pinoy pole vaulter EJ Obiena pasok sa medal round sa Tokyo Olympics

Nagpakitang gilas ang mga Pinoy Athletes sa ika-walong araw ng 2020 Tokyo Olympics.

Unang sumabak sa kompetisyon si EJ Obiena kung saan nasungkit nito ang ika-labing isang pwesto para tuluyang makapasok medal round sa Men’s Pole Vault.

Nagawa nitong talunin ang 5.75meters bar para maka-usad sa next round.

Samantala nagpapatuloy din ang pamamayagpag ng mga Filipino Boxers matapos makuha ni Carlo Paalam ang quarterfinal spot nang talunin nito ang pambato ng Algeria na si Mohammed Flissi sa Men’s Flyweight Division.

Dinomina ng Pinoy fighter ang lahat ng tatlo round dahilan para paboran siya ng mga judges para sa 30-27 score card.

Ngayong tanghali naman inaabangan ang pagsabak sa medal round ni Nesthy Petecio kung saan makakasagupa niya ang mas matangkad na pambato ng Italy na si Irma Testa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *