Pinoy quake victim sa Turkey, na-rescue, pero may apat pang nawawala

Ligtas na ang isang Filipino sa earthquake-hit Turkey na una nang napaulat na nasawi.

Sa kabila nito, may apat pang mga Pinoy na naninirahan sa kaparehong gusali ng nailigtas na kababayan, ang nananatili paring nawawala.

Hindi pa naman pinapangalanan ang nawawalang Pilipino.

Una nang kinumpirma ng Philippine Embassy sa Turkey na may dalawang Pilipino na nasugatan sa naturang lindol na ngayon ay nagrerekober na.

Dagdag naman ng embahada, na sinimulan na ng kanilang mga personnel ang pagbisita sa mga apektadong lugar para mamahagi ng tulong at kumustahin ang kondisyon ng mga apektadong Pilipino.

Batay sa embahada, nasa 248 na mga Pilipino ang apektado ng naturang lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *