Pinoy war veterans kinilala ni PBBM sa ika-81 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggunita sa ika-81 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat National Shrine, Pilar, Bataan.

Sa kanyang talumpati ginunita ng Pangulo ang kabayanihan at kagitingan ng mga beteranong Pilipino at Amerikano na pinagmartsa ng mga mananakop na Hapon matapos sumuko noong 1942 na binansagan bilang ‘Bataan Death March’.

“We are here to once again remember the heroism, valor, and sacrifice of the countless heroes who—with every ounce of their being, and often with their passing—have made this hallowed ground,” bahagi ng talumpati ng Pangulo.

Sinabi din ni Marcos na nararapat lamang na pasalamatan ang mga beteranong nakipaglaban at nagbuwis ng buhay sa naturang digmaan dahil sila ang nagbigay daan para maging mas mahusay na mamamayang Pilipino.

“For that we thank our heroes—those who fought, and bled, and died here, for they have shown us the way, not necessarily an easy way, to make us the best citizens of our republic,” saad pa nito.

Samantala maliban sa Pangulo, dumalo din sa naturang pagtitipon sina Charge d Affairs at United States Ambassador to the Philippines Heather Varavia at Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa at ang ilang mga Filipino World War 2 veterans.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *