Pinsala ng China sa recent RoRe harassment – umakyat na sa P60M

Umabot sa 60 million pesos ang halaga ng mga sinirang equipment ng China Coast Guard sa pinakahuling rotation and resupply mission ng bansa sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong June 17.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sumulat na siya kay Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. para maiparating sa Department of Foreign Affairs.

Upang ang DFA ang mag reach out sa China kaugnay ng demand ng AFP na ibalik ang kanilang mga kinumpiskang armas at bayaran ang mga sinirang kagamitan.

Pitong disassembled firearms ang kinumpiska ng CCG habang ilang rigid hull infltable boat ang kanilnag sinira.

Sabi ni Brawner, tinitingnan nila na pabayarin din ang China sa pagkaputol ng daliri ng isang sundalo dahil sa kanilang “most aggressive action” sa WPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *