Pinsala sa agrikultura sa lalawigan ng Albay dulot ng bagyo, umabot sa mahigit P22M – OCD Bicol

LEGAZPI CITY – Umabot sa mahigit ₱22M ang partially damage sa sektor ng agrikultura dahil sa paghagupit ng bagyong Paeng sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Bicol, buong lalawigan ang nakaranas ng pananalasa ng nasabing bagyo kung kaya’t patuloy pa rin ang kanilang ginagawang pagvalidate sa mga munisipyo o siyudad upang malaman kung sila ay apektado o nasira ang kanilang pananim.

Naapektuhan, anila, nito ang 848.60 kabuuhang ektaryang sakahan at 1298.48 ang metric tons ang nawalang palay sa lalawigan.

Tiniyak naman ng tanggapan na tinutugunan na ang pangangailangan ng mga magsasaka at maging ang mga mangingisda upang makabangon matapos sirain ni bagyong Paeng ang kanilang mga pananim na palay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *