Piso Caravan ginagawa ng BSP sa Naga

NAGA CITY –Kung may mga sira at maruruming pera ka sa iyong bulsa, barya man o papel, maaari itong mapalitan ng bago at malinis na pera sa Piso Caravan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na matatagpuan sa ground floor ng Robinsons Mall Naga.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay Bob Almeda, Regional Economic Affair ng BSP Southern Luzon- Naga Branch, ito ay isang inisyatibo ng ahensiya upang mapanatili ang pagkakaroon ng malinis na pera sa komunidad . Naniniwala rin ang BSP na sa pamamagitan ng ganitong aktibidad ay mas makasisiguro ang mga mamamayan na tunay at hindi peke ang kanilang nahahawakang pera.  

Lahat ng maiipon na mga sira at maruruming pera ay tuluyan ng sisirain at tatanggalin na sa sirkulasyon ng ahensya. Nagsimula ang piso caravan noong Setyembre 12 at magtatapos ngayong araw Sept. 13 . Bukas ang kanilang stall simula alas 10 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *