Pit viper venom, posibleng panlaban sa COVID-19 – study


Natuklasan ng mga Brazilian researchers na ang molecule mula sa kamandag ng isang ahas ay posibleng maging panlaban sa COVID-19.

Ayon sa pag-aaral sa Sao Paulo, Brazil, ang molecule mula sa venom ng pit viber snake na Jararacussu ay nakakabawas sa kapasidad ng virus na dumami sa mga monkey cells ng 75%.

Posibleng unang hakbang umano ito para sa gamot kontra COVID.

“We were able to show this component of snake venom was able to inhibit a very important protein from the virus,” ayon kay Prof. Rafael Guido ng University of Sao Paulo.

Ang snake molecule na “peptide” o chain of amino acids, ang maaring makakonekta sa enzyme ng COVID na PLPro na siyang vital sa pagdami ng virus.

Nilinaw ng opisyal na ang peptide na isang antibacterial, ay pwede mai-synthesize sa laboratoryo kaya hindi ito inaasahang makakaapekto sa bilang ng lahi ng naturang ahas sa Brazil.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *