Pitong barangay sa Virac, Catanduanes “drug cleared” na ayon sa Regional Oversight Committee

BICOL—Inihayag ni Virac MPS PMaj. Antonio Perez na nakapagtapos na sa community based rehabilitation program ang mga drug surrenderer mula sa pitong barangay sa bayan ng Virac. Catanduanes.

Bunsod nito, matapos ang masusi at mahigpit na pagsusuri ng Regional Oversight Committee, ideneklara nang “drug cleared” ang mga barangay ng Hicming, JMA Poniton, Magnesia Del Sur, Palta Small, Palta Big, Palta Salvacion at Sto.Niño.

Kaugnay nito isinagawa nitong nakaraang Biyernes ang awarding ceremony sa Evacuation Center sa Brgy. San Isidro, Village na pinangunahan mismo ng PNP at ng iba pang mga opisyal.

Samantala, maliban sa mga naitalang drug cleared barangays ay masaya ring ibinahagi ni Perez na 12 barangay sa naturang bayan ang maituturing na “drug unaffected” barangays na hindi nakapagtala ng anumang kaso o insedente na kinasasangkutan ng iligal na droga.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga barangay ng Batag, Marilima, Buenavista, Sto. Cristo, Calampong, Talisoy, Cabihian, Hawan Grande, Casoocan, San Jose, Calabnigan at Hawan Ilaya. ##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *