Pitong sakay ng nagkaaberyang ML MRRL nailigtas sa bayan ng Roxas, Palawan

Nailigtas ng Coast Guard Station Roxas-Palawan ang 7 sakay ng sasakyang pandagat na ML-MRRL sa karagatang sakop ng Zabala Reef Barangay Caramay Roxas, Palawan  nitong ika- 8 ng Setyembre, 2021.

Ayon sa report pagkatapos makatanggap ng tawag mula kay Mr. Ricky Conge bandang 6:40 ng hapon agad namang nagsagawa ng search and rescue (SAR) ang CGS Roxas- kasama ang Bantay Dagat Roxas para marespondihan ang nasabing insidente.

Subalit dahil sa madilim na kapaligiran, low tide at malakas na hangin ay nagdesisyon ang grupo na ipagpabukas nalang ang pag responde at patuloy lang ang kanilang kumunikasyon sa mga stranded na sakay ng ML MRRL.

Bandang 6:50 ng umaga ika-8 ng Setyembre ay tumungo na Search and Rescue Team sa Zabala Reef kung saan naka-angkorahe ang nasabing sasakyang pandagat. Samantala ligtas namang nailikas ang pitong sakay nito at dinala sa Roxas Feeder Port Roxas Palawan. Hinila ng Search and  Rescue Team ang sasakyang pandagat na nagkaberya gamit ang Bantay Dagat Motorized Boat.

Ayon sa ilang pasahero habang sila ay naglalayag sa karagatang sakop ng Tulariquin at Zabala Reef patungong Barangay Sta. Teresita Dumaran Palawan, nasira ang Elesi ng kanilang sinasakyan dahilan para hindi sila makapaglayag.

Napilitan silang sumunod nalang sa current o agos ng dagat  hanggang makarating sa mababaw na parte ng dagat at duon nag angkorahe habang naghintay ng Rescue team.

Samantala,  pinayuhan naman ng CGS Roxas- Palawan ang kapitan ng sasakyan na mag file ng Marine Protest at ayusin ang sasakyan bago bumalik sa operasyon para maiwasan ang aberya sa paglalayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *