‘Piyestang Tsinoy,’ gaganapin sa lalawigan ng Sorsogon

Magsisimula sa susunod na taon ang Piyestang Tsinoy sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa otor ng ordinansa na si Sangguniang Panlalawigan Member Maria Nini Ravanillaa, magkakaroon ng Piyestang Tsinoy sa susunod na taon sa huling linggo ng buwan ng Enero, pagkatapos ng Chinese New Year, ito aniya ay para magbigay alaala at pagpapahalaga sa mga tradisyon ng mga Filipino-Chinese community na naging bahagi na ng pag-unlad ng lalawigan.

Ayon pa kay Ravanilla, ipakikita rin sa pagdiriwang ang tradisyon ng mga Tsino sa pagbibigay galang sa kanilang mga ninuno na halos hindi na umano napapraktis ng mga bagong henerasyong ngayon.

Maghahanda ng mga pagkaing minana sa mga Tsino at magkakaroon ng mga tradisyuanal Chinese dance.

Isa rin aniya sa mga layunin ng nasabing pagdiriwang ay maipakita sa mga bagong henerasyon ng Filipino- Chinese community ang mga tradisyon at mga kaugalian ng kanilang mga ninuno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *