Planong mass relief sa lahat ng tauhan ng PNP sa NegOr, naka-hold muna

Ipinagpaliban muna ang nakaplanong mass relief sa lahat ng tauhan ng Philippine National Police sa Negros Oriental bilang bahagi ng paglilinis sa kanilang  hanay kasunod ng pagpaslang kay Gov. Roel Degamo.

Ayon kay PRO-7 director Brig. Gen. Anthony Aberin, kung sakaling magkaroon ng pagbabago o paggalaw, aniya ang magiging batayan ay ang relief order ng provincial director o ng alkalde.

Ang layunin ay upang matanggal ang pag-aalinlangan sa integridad ng mga pulis sa lalawigan matapos na makita sa imbestigasyon na mayroong ilan sa kanila ang di umano’y may kaugnayan sa mga pulitiko na sangkot sa pagpatay kay Gov. Degamo noong Marso.

Sinabi ni Aberin na inatasan niya ang Regional Intelligence Division na suriin ang mga pulis na naka-assign sa iba’t ibang istasyon sa lalawigan upang malaman kung sino ang dapat alisin upang matanggal ang paniniwalang nagkukompromiso sila sa integridad ng PNP.

Tiniyak din ng opisyal na gagawin muna ang mga konsultasyon bago ilipat ang anumang pulis mula sa Negros Oriental.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *