Planong pagtakas ng napatay na 3 detainees sa Crame, planado na – Azurin

Lumalabas na planado umano ang bigong pagtakas ng tatlong preso ng Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na patunay umano dito ang improvised knife na kanilang ginawa, na ginamit din sa pagsaksak kay Police Corporal Roger Agustin, habang namamahagi ng pagkaing rasyon.

Dagdag ni Azurin na ang insidente ay nangyari sa loob ng common area kung saan pinapayapagan ang mga inmates na magpa-araw at iba pang physical activities.

Sa ngayon, nasa kritikal pa na kondisyon si Agustin dahil sa dami ng mga saksak na natamo nito.

Samantala, pinag-aaralan na ng PNP kung papaanu pa nila mapapaganda ang seguridad sa Custodial Center, upang hinid na maulit ang naturang insidente. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *